Sunday, June 28, 2009

Bumalik din sa wakas ang koryente!

Hay salamat.... bumalik sa wakas ang koryente na nawala sa loob ng apat na araw. Dahil sa bagyong Feria, nawalan kami ng koryente. Hindi man sa Calbayog ang sentro ng bagyo, marami pa ring poste ng koryente at puno ang bumagsak sa sobrang lakas ng hangin.

Sa ilang araw ng walang koryente, wala kaming kaalam alam sa mga nangyayari buong mundo. Wala kaming balitang naririnig. Hindi naman makapagtanong thru text o tawag kasi pati cellphone patay. Meron namang nagbukas na mga internet cafe kaso ang daming nakapila... nagsamantala pa ang ibang internet cafe. itinaas nila ang rate ng oras sa paggamit. Hay, pinoy nga naman!

First time kong nakaranas ng ilang araw na walang koryente.Pinakamahaba so far. Ang hirap ng walang koryente....patay pati trabaho ko. Akala ko nga sa pagbabalik ng koryente wala na akong babalikang trabaho. Buti na lang mabait ang employer ko. Generous pa...(not bad!). 'Yon nga lang, dami kong backlog, dami kong hahabuling trabaho.

Kaya ito ako ngayon, kandarapa sa paggawa ng mga artikulo, pagriresearch at papost.